Sa tuwing maririnig
ang kalansing
ng kutsara o tinidor,
pinaniniwalaang
may darating.
ang lahat ng makaririnig.
Ang mga kumakain
sa aming mesa (na
kapag gabi) ay titingin-
tingin sa isa't isa.
sa aming lapag na may lumang
plywood para matawag na sahig,
kay Kuya raw ang bisita--marahil
kaniyang dalaga.
babaling ang lahat, tiyak daw
na kaniyang manliligaw.
ay ang pagkakataong halos sabay
ang lagapak ng mga ito.
Hindi dahil sa nagkataon,
pero sadya ito dahil sa kaba.
Iyong si Nanay at si Tatay
ay nangangamba.
sumisigaw ang mga kapitbahay
na may kalabang sisira!
at tiyak, kakaripas palabas
ang lahat.
magkakapit-bisig sina Tatay
at iba pang tagapagtanggol
ng mga tagpi-tagping kahoy
na tinatawag naming
mga bahay.
0 comments:
Post a Comment